top of page
Search

Upuan (feat. Jeazell Grutas of Zelle)

  • dbarandon94
  • Apr 21, 2016
  • 4 min read

[JEAZELL] Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw ninyo Ang tunay na kalagayan ko [GLOC-9] Ganito kasi yan eh... [Verse 1:] Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka pilang mga mamahaling sasakyan Mga bantay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang naka barong Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan [JEAZELL] [Chorus:] Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo, At baka matanaw, at baka matanaw na nyo Ang tunay na kalagayan ko [GLOC-9] [Verse 2:] Mawalang galang na po Sa taong naka upo, Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo Pero kulang na kulang parin, Ulam na tuyo't asin Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin Di ko alam kung talagang maraming harang O mataas lang ang bakod O nagbubulag-bulagan lamang po kayo Kahit sa dami ng pera niyo Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo Kaya... [JEAZELL] Wag kang masyadong halata Bato-bato sa langit Ang matamaa'y wag magalit O bato-bato bato sa langit Ang matamaan ay Wag masyadong halata Wag kang masyadong halata Hehey, (Wag kang masyadong halata) (Wag kang masyadong halata)

Si Gloc-9 ay ipinanganak noong Oktubre 18, 1977. Ang totoo niyang pangalan ay Aristotle Pollisco. Siya ay umusbong hindi bilang rapper kundi bilang tao mula sa Binangonan Rizal, tagahanga ni Francis M, naging empleyado ng fast food chain at ng malaking media company bilang music research, bago nadiskubre bilang rapper. Gumawa ng Love at dance rap, ngunit paglao’y makikilala sa paggawa ng mga kantang patungkol sa personal na pakikipamuhay sa araw-araw ngkahirapan, sa harap ng krisis ng tunggalian sa Pinas na kinalakihan.

Walang patumangga ang pakikilahok ni Gloc-9 sa mga usaping bayan. At sa panahong yinakap na siya ng telebesyon at radio na ito. Ito ang hinihingi ng kasaysayan sa bawat manggagawa sa sining, at ito ang hindi ipnagkakait ng kanyang panulat. Iisa ang pangalang katumbas ng Pinoy rap sa panahong ito. Ang pangalang ito ay Gloc-9 (Aristotle Pollisco) ay isang Pilipino na kwalipikado sa Awit Awards. Ang kanyang mabilis na pagsalita ay siyang daan upang siya ay maging isa sa mga tagumpay na rapper sa Pilipinas. Siya ay nanalo ng gantimpala sa pagiging Awards sa tatlong makakasunod na taon (2005-2007) at siya rin ay nakilala sa MYX at MTV. Si Gloc-9 ay tumulong sa mga tugtog ng ilang mga pelikula, tulad ng “Jologs” at “Trip” ng Star Cinema.

Upuan, bagay na nagsisilbing tagasalo ng pwetan ng isang tao tuwing uupo. Inilarawan sa music video at liriko ng kantang upuan ni Gloc-9 at Jeazell Grutas ang agwat ng mayaman at mahirap. Ginamit ang upuan bilang simbolismo ng posisyon sa gobyerno at ng mga taong nakakataas sa lipunan.

Sinuri ang kantang “Upuan” ni Gloc-9 gamit ang Marxismo sapagkat inilarawan ng naturang kanta ang lumalalang isyu ng kahirapan sa bansa at kung gaano kalaki ang epekto ng korupsyon sa pagdagdag ng mga pasanin sa lipunan.

Sa liriko ng kanta nakumpara ang sistema ng pamumuhay ng mayayaman sa sistema ng mahihirap. Sa bawat berso ng kanta nagbigay ng paglalarawan ang sumulat ng kantang ito sa malalawak ng bakuran, matataas na pader, mga mamahaling sasakyan, mga barong na kasuotan at pati na rin ang pyesta sa hapag na malayong-malayo sa nararanasan ng mahihirap. Ginamit ni Gloc-9 ang punto-de-bista ng isang mahirap. Sa pagpaparinig ng kanilang hinaing mula sa kanyang barong-barong na pinagtagpi-tagping yero lamang. Hinaing na hugot mula sa kanilang pagkasabik na makatikim ng masarap na pagkain at kahit minsan sana’y makaligtaan ang lasa ng ulam na toyo’t asin. Sa koro ng kanta, paulit-ulit na iniimbitahan ang mga nakakataas sa lipunan ng may akda na tumayo mula sa kanilang kinauupuan upang matanaw ang tunay na kalagayan ng mahihirap.

Naging epektibo ang paggamit ng upuan bilangsimbolismo ng posisyon ng pulitiko at mga nakatataas sa lipunan.

Ipinakita sa music video ng kantang upuan ang biswal na presentasyon ng kalagayan ng mga mamamayan ng lipunan sa pamamagitan ng pagpupunas ng upuan ng mga nakababa sa lipunan habang komportableng nakaupo ditto ang mga nakatataas sa lipunan. Mas lalong nangibabaw ditto kung paano nakaapekto ang maginhawang pamumuhay ng mayayaman sa mas lalong bumubigat na pasanin ng lipunan ngunit sa kabila nito’y patuloy sila sa pagbubulag-bulagan. Sa dulo ng music video ipinarans sa kanila kung paano mamuhay taliwas sa kanilang kinagisnang kaginhawahan.

Sa papalapit na eleksyon, tingnan natin ang tunay na hangarin ng mga pulitiko sa likod ng kanilang matatamis na ngiti at walang katapusang pagkukunwaring close nila sa atin. Maaaring ang pagnanais na makapaglingkod sa bayan ang kanilang dahilan kaya’t matiyaga nilang kinukuha ang loob ng mga mamamayan o maaari din naming isa lang sila sa mga nakikipag-agawan sa isang upuan. Marahil hindi alintana sa atin na karamihan sa kanila ay natatanaw lang ang tunay na kalagayan ng lipunan kapag wala pa sila sa kanilang kinauupuan ngunit kakalimutan na kapag nakaupo na. Sabi nga sa kantang upuan “bato-bato sa langit tamaan ay wag magalit”.


 
 
 

Comments


Featured Review
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page